Ang Bansang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na isla/pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asyaang bansang Pilipinas. Ang kabisera ng bansa ay ang Manila, May tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao, at may 16 na Rehiyon ng bansa. Filipino ang opisyal na wika sa ating bansa.
Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may araw na walo ang sinag, at tatlong bituin, parehong kulay ginto, at nakapatong sa puting tatsulok na equilateral. Sa gawing taas ng natitirang bahagi ay ang kulay asul at sa ibaba nito ang kulay pula.
Ang nagtahi ng watawat ay sina Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad, na ginawa nila sa Hongkong. Ito ang unang naisip na gawin ni Emilio Aguinaldo ang unang Presidente ng Pilipinas. Pinagtibay ito noong Hunyo 12, 1898
"Ang puting tatsulok ang natatanging sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon. Ang tatlo nitong bituin ay kumakatawan sa tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija,Tarlac, Laguna, at Batangas."
"Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul ay ang mga sumusunod: Ang puting tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan, katotohanan, at katarungan; at pula para sa kabayanihan at kagitingan."
Ang Lupang Hinirang o “Marcha Nacional Filipina”, Pambansang Awit ng Pilipinas, ay isang marcha na binuo ni Julian Felipe at unang pinatugtog sa Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898. Matapos ang isang taon, ang tula na “Filipinas, Letra Para La Marcha Nacional” na isinulat ni Jose Palma ay ang naging titik ng pambansang awit.
Ang komposisyon, na unang naisulat sa salitang Espanyol, ay inilathala noong 3 Setyembre 1899 sa La Independencia, isang pahayagan ng rebolusyon.
Kasaysayan
- 5 Hunyo 1898 -Kinomisyon ni Emilio Aguinaldo si Julian Felipe, isang kompositor ng Cavite, na gumawa ng isang marcha para sa mga rebolusyonaryo. Ginawa ni Felipe ang komposisyon sa loob ng anim na araw, at noong ika-11 ng Hunyo, itininanghal ni Felipe ang musika sa harapan ng Aguinaldo at ng kanyang mga tinyente. Pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon ang marcha ng pambansang awit habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.
- 1920's -Ang titik ng awit ni Palma ay isinalin sa Ingles ng mga edukador na sina Camilo Osias at M.A.L. Lane.
- 1943 -Sa ilalim ni dating Presidente Jose P. Laurel, isinalin ng Surian ng Wikang Pambansang titik ng pambansang awit sa salitang Ingles at Pilipino. “National Ideal” ang naging pamagat nito sa Ingles at “Diwang Bayan” naman sa Pilipino.
- 1956 -Isinalin muli ang Espanyol na bersyon ng pambansang awit ng isang grupo ng mga Pilipino, binubuo ng mga musikero, manunulat at ilang opisyal ng pamahalaan na binuo ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang naging pamagat ng ginawa nilang pagsasalin ay “Lupang Hinirang”, na siyang inihayag na opisyal na titik ng pambansang awit noong 19 Disyembre 1963, sa ilalim ng Proklamasyon ng Presidente bilang 60.
Lupang Hinirang
Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.